Sunday, April 8, 2012

Minsan ang LAKAS lang maka-EWAN ng MUNDO ko…


Punta ka na

Alam n’yo, wala namang difference kung ‘andon man o wala ako

Sige na, tingnan mo grupo lang natin ang ‘di kumpleto

Paki bigyan n’yo nga ako ng ten valid reasons kung bakit ako dapat pumunta

(Then, they start thinking and enumerating reasons when…)

…Pero wala akong sinabi na kapag nakapagbigay kayo ng rason ay pupunta na ako, iisipin ko muna

Ano kaya ‘yon, ano bang problema bakit ayaw mo pumunta, damit? Sige we will provide, pamasahe? Ako na gagastos

Basta, ayoko talagang pumunta

Ano ba yan, once in a lifetime nga lang yang Grad Ball tapos ‘di ka pa pupunta, ang KILL JOY mo…
---
Siguro nga KILL JOY ako, ‘yan naman talaga nag official label sa akin ever since…para namang hindi pa sila sanay.

Ang totoo n’yan, sa simula pa lang, decided na ako na hindi pumunta (plotted na nga ang mga alibi ko) kasi naman I think there’s nothing essential about that Ball except for the fact na nand’on sila.

Naiisip ko rin…makasarili ba ako? Sa dahilang palaging ang grupo na lang ang umiintindi sa akin, hindi kaya panahon na para ako naman ang umintindi at magbigay sa kanila…

…sa tanong na ‘yan. wala akong sagot o sadyang ayoko lang sagutin – EWAN?

At habang iniisip ko ang mga bagay na ‘yan sa loob ng banyo at tamang bubuksan ko na ang pinto, biglang ayaw na nitong bumukas (medyo bagong renovate po kasi ang banyo namin kaya hindi ako sanay na may pinto d’on) so nag-panic ako and when I’m about to shout for help, buti na lang na-realize ko na para mag-unlock ‘yon, dapat iniikot muna ang door knob…haha, mukha akong EWAN…huwaw ah! Sa tinagaltagal ng existence ko sa EARTH bakit ba nawala ‘yon sa isip ko, sa lahat naman talaga…LOL

>>> Kasalan lahat ‘to ng GRAD BALL (biglang naghanap ng masisisi?)

…tungkol sa kung pupunta ako o hindi – EWAN? Ang sakit sa UTAK *brain bleeding*

…sana lang ano’t ano man ang maging desisyon ko, maintindihan nila, gusto ko rin silang kasama pero huwag sa Grad Ball.


HAPPY EASTER EVERYONE...LORD HAS RISEN

2 comments:

  1. nakoo. OKAY lng di pumunta! wag mong isipin un. SOWS. It's not the end. Hindi k makasarili. I'm telling you.

    ReplyDelete